Martes, Oktubre 3, 2017

     Maagang Pagbubuntis
    
       Early Pregnancy o maagang pagbubuntis, isang suliranin na kinakaharap ng lipunan dulot ng kawalan ng disiplina at kaalaman kung saan may mga kabataan na maagang nabubuntis dulot ng kapusukan at kawalan nga ng aral ukol sa paksang ito. Taon-taon pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang ito sa mga mahihirap na pamilya nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya. 
Ang paglaganap at paglaki ng populasyon ng mundo, lalo na sa Pilipinas, malaking porsyento ng paglaki nito ay bunga ng maagang pagbubuntis. Malala din sa bilang ng maagang pagbubuntis ay iyong mga "na Hit and Run" pagkatapos laruin at buntisin ay iiwan din, kaya dumadami ang mga "walang kumpletong pamilya o broken family", "abortion o pagpapalaglag" at mga tinatakwil dahil sa suliraning ito.
       Ngayon nga ika 20th century na siyang panahon ng "millenials" kung saan "open-minded" na sa "grin-business" ang kabataan, laganap din ang unplanned and unsafe sex o pakikipagtalik kaya't ang kakulangan sa kaalaman ay napupunta sa maling daan. Sa panahon ngayon puno at laganap ang suliranin, maalam na pag-iisipa ang dapat pairalin, kung kikilos ay mag-isip-isip,i ka nga nila "Think Before you Click". Para sa mga katulad kong kabataan, huwag ninyo itapon ang kinabukasan ninyo para sa panandaliang sarap.
               My Cheerdance Experience
 
       Competing in cheerdance is not easy,masasabi kong dito mababanat mga buto-buto mo, mapipilayan, mababad sa araw at lahat na ata ng disadvantages sa pagsasayaw ay narito na.I've must say that hindi lang ito basta-bastang pagsasayaw dapat kung sasali dito ay energetic ka dapat at hindi pwdi ang pabebe. This is not my first experince pero kahit ganun hindi maiiwasan talaga ang kabahan ka, andun ang takot, nginig pero kahit ganun hindi dahilan yun para maging weak ka dapat Fight ka lang! Manalo man o matalo atleast alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang makakaya mo at dapat masaya ka sa ginagawa mo. Just enjoy para sa huli hindi magsisi. Kaya kahit natalo mankami the important is we enjoy a lot and were happy of that so that we have no regrets.

Lunes, Setyembre 18, 2017

"Salamat Sa Lahat"

Sisimulan ko ang aking tula
kung saan ako nagmula
kung kailan kita nakilala
at sa pagpapatawad sa aking pagkakasala
'di pa man mulat ang aking kaisipan
panahon ng aking kabataan
kung ano ang iyong pangalan
kung ikaw ba ayu tunay na makapangyarihan
kaya noon, sabik akong maunawaan
ang mga salita mo na nais kong panghawakan
Binasa ko ang iyong mga salita
Kinabisa ang bawat letra
isinabuhay ang bawat kapitulo
lahat ng ito'y aking isinaulo
at ito'y aking tinatandaan,
Sa bawat kabanata ng aking pinagdadaanan.
Puso ko'y tila nag-iinit
sa pagpuri sa'yo na aking isinambit
ako'y sayo ay lumalapit,
at patuloy akong kakapit
dadamhin ang yakap mong kayhigpit
Sasambahin kita ng paulit-ulit.
madalas man akong magkasala
lahat ng iyon tila'y nawawala
sa tuwing ako ay mananalangin
lahat ng ito ay iyong tatanggapin
kahit 'di man kita makita tulad ng hangin
nariyan ka palagi upang ako'y dinggin.
hindi matutumbasan ng ilang pasasalamat
ang kabutihan mong bukod tangi sa lahat
talikuran man ako ng lahat,
ikaw lang ang nag-iisang tapat
Kahit ako'y 'di karapat-dapat
sa pagmamahal mo na aking tinanggap.
Salamat sa pagprotekta palayo sa kapahamakan
Salamat sa pag-ibig na iyong pinaramdam
Salamat sa biyaya na iyong inilaan
Salamat sa taglay mong kabutihan
Araw-araw kong itataas ang iyong matamis na pangalan
Panginoon ko, Salamat sa buhay na walang hanggan.

Huwebes, Setyembre 7, 2017

Secret Admirer

                                                Secret Admirer
                
         Naranasan mo na bang maging tagahanga? Maging isang admirer ng isang tao? At ikay patuloy na umaasa na kahit na alam mo rin naman na sa sarili mo na may iba siyang gusto?
        
         So ayun na nga nagkagusto ako sa isang taong hindi ako ang gusto (How sadL)…pero tagahanga lang naman hindi pa naman lumalalim kayak o pa naming kontrolinJ.Pero kahit na ganun syempre kase nga diba hinahangaan mo siya hindi rin malabo na may mga time na na’huhurt ka diba? Tapos yung tipong masakit na “Go Push” parin yan tayo ehJ eh syempre nga kase gusto mo siya edi kahit masakit okay lang, tatanggapin mo na lang kung hanggang saan lang kayo (Friends). Minsan iniisip mo na sana ikaw na lang siya (yung babaeng gusto niya) na sana kayo nalang dalawa ang magkasama, magkausap, magkachat, at sabay na bubuo ng Lovestory niyo (hays sarap sa Feeling) pero dahil hindi ikaw siya (How sadL) hanggang pangarap kana lang, at ang tanging meron lang kayo ay ang pagiging FRIENDS ayaw mo rin sabihin sakanya na may gusto ka kase baka masira lang pagkakaibigan niyo kaya mas pinipili mo na lang na isekreto ang lahat kumbaga “Secret Admirer”..wala kang magagawa kundi ang tanggapin nalang ang lahat at suportahan nalang siya kung san siya MasayaJ….


      Hayysss..Dun sa Girl (kung sino ka man) alamin mo ang halaga niya at  pahalagahan mo siya, maswerte ka kase ikaw ang nagustuhan niya.Mapalad ka Girl! Ideal Man ko yan eh.

      Maagang Pagbubuntis             Early Pregnancy o maagang pagbubuntis, isang suliranin na kinakaharap ng lipunan dulot ng kawalan n...