Martes, Oktubre 3, 2017

     Maagang Pagbubuntis
    
       Early Pregnancy o maagang pagbubuntis, isang suliranin na kinakaharap ng lipunan dulot ng kawalan ng disiplina at kaalaman kung saan may mga kabataan na maagang nabubuntis dulot ng kapusukan at kawalan nga ng aral ukol sa paksang ito. Taon-taon pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang ito sa mga mahihirap na pamilya nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya. 
Ang paglaganap at paglaki ng populasyon ng mundo, lalo na sa Pilipinas, malaking porsyento ng paglaki nito ay bunga ng maagang pagbubuntis. Malala din sa bilang ng maagang pagbubuntis ay iyong mga "na Hit and Run" pagkatapos laruin at buntisin ay iiwan din, kaya dumadami ang mga "walang kumpletong pamilya o broken family", "abortion o pagpapalaglag" at mga tinatakwil dahil sa suliraning ito.
       Ngayon nga ika 20th century na siyang panahon ng "millenials" kung saan "open-minded" na sa "grin-business" ang kabataan, laganap din ang unplanned and unsafe sex o pakikipagtalik kaya't ang kakulangan sa kaalaman ay napupunta sa maling daan. Sa panahon ngayon puno at laganap ang suliranin, maalam na pag-iisipa ang dapat pairalin, kung kikilos ay mag-isip-isip,i ka nga nila "Think Before you Click". Para sa mga katulad kong kabataan, huwag ninyo itapon ang kinabukasan ninyo para sa panandaliang sarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento